𝙕𝙚𝙧𝙤 𝘼𝙪𝙙𝙞𝙩 𝙁𝙞𝙣𝙙𝙞𝙣𝙜𝙨 𝙢𝙪𝙡𝙖 𝙨𝙖 𝘾𝙊𝘼, 𝙣𝙖𝙜𝙥𝙖𝙩𝙪𝙣𝙖𝙮 𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙥𝙖𝙩 𝙣𝙖 𝙥𝙖𝙢𝙖𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡𝙖 𝙨𝙖 𝙄𝙗𝙖𝙖𝙣
Published under events on October 20, 2026
Muling napatunayan ng Pamahalaang Bayan ng Ibaan ang matapat at malinis na pamamahala matapos itong magtala ng zero audit findings mula sa Commission on Audit (COA) Regional Office No. IV-A para sa ikalawang quarter na nagtapos noong Hunyo 30, 2026. Batay sa opisyal na Statement of Audit Suspensions, Disallowances and Charges (SASDC), nagkamit ang munisipyo ng zero balance (₱0.00) sa lahat ng kategorya kabilang ang Notice of Suspension, Notice of Disallowance, at Notice of Charge.
Ang tagumpay na ito ay nagpapakita ng mahigpit na pagsunod ng bayan sa mga panuntunan ng state auditing para sa masinop na paghawak ng pondo, sa ilalim ng pamumuno nina Mayor Jane A. Casas at Vice Mayor Edralyn Joy A. Salvame.
Sa pamamagitan ng pagkilalang ito, tinitiyak ng lokal na pamahalaan sa bawat Ibaeño na ang bawat sentimo mula sa kaban ng bayan ay nakalaan lamang para sa mga makabuluhan at tapat na programang magsusulong ng patuloy na pag-unlad ng buong bayan.
#IbaanUpdates — ibaan.gov.ph
Total paragraphs: 4