𝙏𝙖𝙜𝙖𝙩𝙖𝙠 𝙁𝙚𝙨𝙩𝙞𝙫𝙖𝙡, 𝙢𝙪𝙡𝙞𝙣𝙜 𝙞𝙨𝙞𝙣𝙖𝙜𝙖𝙬𝙖 𝙗𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙝𝙖𝙜𝙞 𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙥𝙞𝙨𝙩𝙖𝙝𝙖𝙣 𝙣𝙞 𝙎𝙖𝙣𝙩𝙞𝙖𝙜𝙤 𝘼𝙥𝙤𝙨𝙩𝙤𝙡 𝙙𝙚 𝙄𝙗𝙖𝙖𝙣
Published under events on October 20, 2026
Umalingawngaw ang masiglang yabag ng pananampalataya sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ni Santiago Apostol de Ibaan sa pamamagitan ng Tagatak Festival 2026, isang makulay na paggunita na nagbuklod sa sambayanang Ibaeño sa pagpupuri sa Diyos at pagpaparangal sa mahal na patron.
Sa bawat hakbang, tugtog, at sayaw, ipinamalas ng mga deboto ang malalim na pananampalataya at pagmamahal kay Poong Santiago Apostol , habang binuhay ang tradisyong hango sa “tagatak” — ang tunog ng mga yabag ni Santiago Apostol na iniuugnay sa isang dakilang himala sa bayan ng Ibaan noong panahon ng pananakop. Ito din ay pagsasabuhay sa kasaysayan ng pagsalubong kay Santiago Apostol sa bayan ng Ibaan sa pamamagitan ng sayaw.
Ginanap ang masayang pagtitipon sa kabayanan kung saan sama-samang ipinagdiwang ng mga mananampalataya ang kultura, kasaysayan, at debosyong patuloy na nagbibigay-kulay sa pagkakakilanlan ng Ibaan.
#IbaanUpdates — ibaan.gov.ph
Total paragraphs: 4