Login Guest Philippine Flag MUNICIPALITY OF IBAAN November 14, 2026 Saturday 01:38 PM
"We're working hard to improve your experience! The website is currently being updated. Thanks for your patience."

𝙎𝙚𝙧𝙗𝙞𝙨𝙮𝙤 𝙥𝙪𝙗𝙡𝙞𝙠𝙤, 𝙙𝙞𝙣𝙖𝙡𝙖 𝙣𝙜 𝘾𝙤𝙢𝙢𝙪𝙣𝙞𝙩𝙮 𝘾𝙖𝙧𝙖𝙫𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝘽𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙮 𝙋𝙖𝙡𝙞𝙣𝙙𝙖𝙣

Published under events on November 11, 2026

Image 1
Dinala ng Pamahalaang Bayan ng Ibaan ang iba't ibang mahahalagang serbisyo at programa direktang sa mga Ibaeño sa matagumpay na pag-arangkada ng Community Caravan sa Barangay Palindan, Agosto 12.
Sa pamumuno ni Mayor Jane Casas kasama ang mga tanggapan ng lokal na pamahalaan, naramdaman ng bawat pamilya ang mabilis, tapat, at direktang lingap-lingkod para sa bayan.
Image 2
Sa pamamagitan ng pinagsama-samang inisyatibo ng iba't ibang departamento ng LGU, nag-abot ng libreng serbisyong medikal, tulong pinansyal, payong legal, at iba pang pangunahing serbisyo-publiko sa mga residente ng Palindan nang hindi na nila kailangang lumayo pa sa kanilang lugar.
Kasabay ng caravan, namahagi rin ng tig-10 kilo ng bigas ang pamahalaang lokal katuwang ang Sangguniang Barangay para sa bawat pamilya sa Barangay Palindan.
#IbaanUpdates — 𝐢𝐛𝐚𝐚𝐧.𝐠𝐨𝐯.𝐩𝐡
Total paragraphs: 5
Image 3
More from Events