📣 𝙋𝙎𝘼-𝘾𝙍𝙎 𝙈𝙤𝙗𝙞𝙡𝙚 𝙊𝙪𝙩𝙡𝙚𝙩 - 𝙊𝙣 𝙎𝙞𝙩𝙚 𝙄𝙨𝙨𝙪𝙖𝙣𝙘𝙚 𝙨𝙖 𝙄𝙗𝙖𝙖𝙣
Published under announcements on April 8, 2026
🗓️ Abril 21, 8 AM to 5 PM
📍Recto Gymnasium, Ibaan, Batangas
Kailangan mo ga ng PSA Certificate? Hindi na kailangan pang lumayo o pumila sa malalayong sangay ng Philippine Statistics Authority (PSA) dahil ang serbisyo mismo ang lalapit sa mga Ibaeño.
Sa inisyatibo ni Mayor Jane A. Casas at sa suporta ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Joy A. Salvame, nakatakdang ganapin ang PSA-CRS Mobile Outlet - On Site Issuance sa darating na Abril 21, Martes, 8 AM to 5 PM sa Recto Gymnasium, Ibaan, Batangas.
Layunin ng programang ito, sa pakikipagtulungan ng Office of the Municipal Civil Registrar at PSA, na mapabilis ang pagkuha ng mga mahahalagang dokumento tulad ng:
🔸CENOMAR
🔸Birth Certificate
🔸Marriage Certificate
🔸Death Certificate
Mahalagang paalala, ito ay "First Come, First Served" para sa 120 slots lamang. Upang matiyak ang mabilis na transaksyon, siguraduhing dala ang mga requirements depende kung anong dokumento at kung sino ang kukuha.
Para sa karagdagang katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa Office of the Municipal Civil Registrar.
Total paragraphs: 11