𝙈𝙪𝙡𝙖 𝙨𝙖 𝙋𝙖𝙣𝙜𝙖𝙠𝙤 𝙖𝙩 𝙋𝙖𝙣𝙜𝙖𝙧𝙖𝙥; 𝘾𝙤𝙡𝙚𝙜𝙞𝙤 𝙙𝙚 𝙄𝙗𝙖𝙖𝙣, 𝙊𝙥𝙞𝙨𝙮𝙖𝙡 𝙉𝙖𝙣𝙜 𝘽𝙞𝙣𝙪𝙠𝙨𝙖𝙣
Published under awards on July 22, 2026
Isang bagong kabanata ng pag-asa at oportunidad para sa kabataang Ibaeño ang nagsimula sa makasaysayang pagbubukas ng Colegio de Ibaan—ang kauna-unahang pampublikong kolehiyo sa bayan.
Pormal na pinasinayaan ang Colegio de Ibaan sa pamamagitan ng inauguration at opening ceremony na dinaluhan ng mga lokal na opisyal, akademikong lider, guro, kawani, at mga mag-aaral sa pangunguna ni Mayor Jane Casas, Vice Mayor Joy Salvame at Sangguniang Bayan.
Tampok dito ang Banal na Misa, Ribbon cutting, unveiling ng Colegio de Ibaan marker, at pagbabasbas ng kampus na simbolikong tanda ng katuparan ng isang matagal nang pangarap para sa dekalidad at abot-kayang edukasyong pangtersyarya.
Nagbigay naman ng mensahe ng inspirasyon sina Mayor Jane A. Casas, at Vice Mayor Edralyn Joy Salvame, na binigyang-diin ang pagkakaroon ng mas malawak na oportunidad para sa mga kabataang Ibaeño.
Tampok din sa programa ang pagpapakilala sa mga unang mag-aaral ng bawat programa at ang pagkilala sa mga faculty at staff na magiging katuwang sa paghubog ng kinabukasan ng mga Ibaeno.
Ang Colegio de Ibaan ay hindi lamang isang lugar ng pagkatuto, ito ay simbolo ng pangako, pagkilos, at pangarap na naging realidad para sa bawat kabataang Ibaeno.
Total paragraphs: 6