Login Guest Philippine Flag MUNICIPALITY OF IBAAN September 08, 2026 Tuesday 08:35 PM
"We're working hard to improve your experience! The website is currently being updated. Thanks for your patience."

𝙈𝙖𝙡𝙪𝙨𝙤𝙜 𝙣𝙖 𝘽𝙖𝙩𝙖 𝙖𝙩 𝙇𝙪𝙣𝙩𝙞𝙖𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙥𝙖𝙡𝙞𝙜𝙞𝙧𝙖𝙣, 𝙏𝙚𝙢𝙖 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙜𝙙𝙞𝙧𝙞𝙬𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙜 𝙉𝙪𝙩𝙧𝙞𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙈𝙤𝙣𝙩𝙝 𝙨𝙖 𝙄𝙗𝙖𝙖𝙣

Published under events on August 12, 2026

Image 1
Isang makulay at makabuluhang pagdiriwang ng kalusugan at pangangalaga sa kalikasan ang isinagawa ng mga Child Development Centers sa bayan ng Ibaan sa pakikipagtulungan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) bilang bahagi ng Nutrition Month Celebration na may temang “Nutrition at Kalikasan, Ating Pangalagaan!," Hulyo 22.
Tampok sa selebrasyon ang masayang pagtatanghal at parada ng mga batang mag-aaral mula sa mga Child Development Centers, kung saan ipinakita nila ang kanilang mga ka-cute-an at pagkamalikhain.
Image 2
Layunin ng aktibidad na palakasin ang kamalayan ng mga bata at pamayanan sa kahalagahan ng wastong nutrisyon, pangangalaga sa kapaligiran, at pagkakaroon ng malusog na pamumuhay.
#IbaanUpdates See less
Total paragraphs: 4
More from Events