𝙇𝙏𝙊 𝘾𝙖𝙧𝙖𝙫𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝙄𝙗𝙖𝙖𝙣, 𝙉𝙖𝙜𝙝𝙖𝙩𝙞𝙙 𝙣𝙜 𝙈𝙖𝙨 𝙈𝙖𝙙𝙖𝙡𝙞𝙣𝙜 𝙎𝙚𝙧𝙗𝙞𝙨𝙮𝙤 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙈𝙤𝙩𝙤𝙧𝙞𝙨𝙩𝙖
Published under events on July 22, 2026
Mas mabilis at mas abot-kamay na serbisyo ang hatid ng Land Transportation Office (LTO) Caravan sa Ibaan , kung saan maraming residente ang nakinabang sa iba’t ibang transaksyon kaugnay ng lisensya at pagpaparehistro ng sasakyan.
Sa kabuuan, nakapaglabas ang LTO ng 311 Theoretical Driving Course (TDC) certificates at 201 Student Permits para sa mga aplikanteng nais magsimula ng kanilang paglalakbay bilang responsableng motorista. Naisagawa rin ang 4 renewal ng driver’s license at 4 renewal ng motor vehicle registration.
Layunin ng programa na mailapit ang mahahalagang serbisyo ng LTO sa komunidad, makatulong sa mga mamamayan, at maisulong ang ligtas at responsableng pagmamaneho.
Total paragraphs: 3