Login Guest Philippine Flag MUNICIPALITY OF IBAAN September 08, 2026 Tuesday 08:49 PM
"We're working hard to improve your experience! The website is currently being updated. Thanks for your patience."

𝙇𝙤𝙩𝙚 𝙋𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙎𝙖𝙡𝙖𝙗𝙖𝙣 𝙄𝙄 𝘾𝙤𝙫𝙚𝙧𝙚𝙙 𝘾𝙤𝙪𝙧𝙩, 𝙋𝙤𝙧𝙢𝙖𝙡 𝙉𝙖𝙣𝙜 𝘽𝙞𝙣𝙖𝙨𝙗𝙖𝙨𝙖𝙣

Published under events on August 12, 2026

Image 1
Isang makabuluhang hakbang tungo sa pagkakaroon ng mas maayos na pasilidad para sa komunidad ang isinagawa sa Salaban II, Ibaan, Batangas matapos ang ground blessing ng lupang ipinagkaloob ng Pamilya Salvame para sa pagtatayuan ng Salaban II Covered Court, Hulyo 18 .
Dinaluhan ang seremonya ni Palawan 1st District Cong. Rosalie Salvame kasama ang kanyang pamilya, katuwang sina Mayor Jane Casas, Vice Mayor Joy Salvame, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan bilang pagkilala sa malaking ambag ng pamilya para sa kapakinabangan ng mga residente ng Barangay Salaban II.
Image 2
Isinagawa ang ground blessing kasabay ng paggunita sa kaarawan ng yumaong Cong. Egay Salvame, na nagsilbing makabuluhang pag-alala sa kanyang adhikain ng paglilingkod at malasakit sa kapwa.
#IbaanUpdates See less
Total paragraphs: 4
Image 3
More from Events