𝙇𝙤𝙠𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝙡𝙞𝙙𝙚𝙧 𝙣𝙜 𝙄𝙗𝙖𝙖𝙣, 𝙣𝙖𝙠𝙞𝙞𝙨𝙖 𝙨𝙖 𝙎𝙊𝙉𝘼 𝙗𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙪𝙥𝙤𝙧𝙩𝙖 𝙨𝙖 𝙈𝙖𝙩𝙖𝙩𝙖𝙜 𝙖𝙩 𝘽𝙖𝙜𝙤𝙣𝙜 𝙋𝙞𝙡𝙞𝙥𝙞𝙣𝙖𝙨
Published under events on October 20, 2026
Nakibahagi sina Mayor Jane Casas at Vice Mayor Joy Salvame ng Pamahalaang Bayan ng Ibaan sa ginanap na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang pagpapakita ng pakikiisa sa pambansang pamahalaan tungo sa patuloy na pag-unlad ng bansa, Hulyo 27.
Ang pagdalo ng mga lokal na lider ng Ibaan ay nagsilbing pagkakataon upang mapakinggan ang mga pangunahing programa, direksyon, at adhikain ng administrasyon para sa kapakanan ng mga Pilipino.
Bilang mga kinatawan ng Bayan ng Ibaan, ipinapakita nina Mayor Jane at Vice Mayor Joy ang patuloy na pagtutulungan ng lokal at pambansang pamahalaan sa pagsusulong ng mga programang makatutulong sa mamamayan.
#IbaanUpdates — ibaan.gov.ph
Total paragraphs: 4