Login Guest Philippine Flag MUNICIPALITY OF IBAAN September 08, 2026 Tuesday 07:58 PM
"We're working hard to improve your experience! The website is currently being updated. Thanks for your patience."

𝙆𝙖𝙗𝙪𝙩𝙞𝙝𝙖𝙣𝙜 𝙇𝙤𝙤𝙗 𝙣𝙖 𝙉𝙖𝙜-𝙞𝙞𝙬𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙢𝙖𝙣𝙖, 𝘽𝙞𝙣𝙞𝙜𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙋𝙪𝙜𝙖𝙮 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡𝙖𝙖𝙣𝙜 𝘽𝙖𝙮𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙄𝙗𝙖𝙖𝙣

Published under events on July 22, 2026

Image 1
Kasabay ng lingguhang Pagpupugay sa Bandila, Bayan, at Mamamayan: Flag Ceremony ng Pamahalaang Lokal ng Ibaan, isinagawa ang isang makabuluhang pagkilala sa Pamilya Salvame bilang pagpapahalaga sa kanilang kabutihang-loob at malaking ambag para sa kapakanan ng komunidad, Hulyo 20.
Taos-pusong pinasalamatan ng Pamahalaang Bayan ang Pamilya Salvame sa kanilang pagkakaloob ng lote na pinagtatayuan ng Ibaan Municipal Market Mall, Malainin Barangay Hall at Child Development Center at ang pagtatayuan ng Salaban II Covered Court sa Barangay Salaban II, Ibaan, Batangas.
Image 2
Dumalo upang tanggapin ang pagkilala si Gng. Rosalie Ang Salvame, Palawan’s 1st District Representative , kasama ang kanyang mga anak. Pinangunahan ni Mayor Jane Casas ang paggawad ng pasasalamat kasama sina Vice Mayor Joy Salvame at mga miyembro ng Sangguniang Bayan .
Kaugnay nito, isinagawa noong Hulyo 18 ang ground blessing ng nasabing lote sa Salaban II, kasabay ng paggunita sa kaarawan ng yumaong padre de pamilya na si Cong. Egay Salvame.
Nagsisilbing inspirasyon ng tunay na malasakit at pakikiisa ang mga nasabing gawain tungo sa pag-unlad ng Bayan ng Ibaan.
Total paragraphs: 5
More from Events