Login Guest Philippine Flag MUNICIPALITY OF IBAAN September 08, 2026 Tuesday 08:58 PM
"We're working hard to improve your experience! The website is currently being updated. Thanks for your patience."

𝙆𝙖𝙗𝙖𝙩𝙖𝙖𝙣𝙜 𝙄𝙗𝙖𝙚𝙣𝙤, 𝘽𝙞𝙣𝙞𝙜𝙮𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙀𝙣𝙩𝙖𝙗𝙡𝙤𝙣𝙜 𝙇𝙪𝙢𝙞𝙠𝙝𝙖 𝙨𝙖 𝘼𝙘𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙖𝙩 𝙎𝙘𝙧𝙞𝙥𝙩𝙬𝙧𝙞𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙒𝙤𝙧𝙠𝙨𝙝𝙤𝙥 𝙨𝙖 𝙄𝙗𝙖𝙖𝙣

Published under events on July 22, 2026

Image 1
Patuloy na hinuhubog ang talento at kumpiyansa ng kabataang Ibaeno sa pamamagitan ng Acting and Scriptwriting Workshop na isinagawa sa Gabaldon Building, Ibaan Central School, Poblacion, Ibaan, Batangas.
Ang programa ay inisyatiba ng Local Youth Development Office katuwang ang Ibaan Municipal Sangguniang Kabataan Federation at Teatro Kalasag, na naglalayong paunlarin ang kakayahan ng mga kabataan sa pag-arte, pagsulat ng iskrip, at malikhaing pagpapahayag.
Image 2
Sa pamamagitan ng pagsasanay at pagbabahagi ng kaalaman, nabibigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na mahasa ang kanilang talento at makalikha ng mga kuwentong may kabuluhan at inspirasyon.
Patuloy ang pagkakaisa ng mga institusyon sa pagsusulong ng mga programang nagbibigay-lakas at oportunidad sa kabataan upang maging mas malikhain, kumpiyansa, at handa sa pagpapahayag ng kanilang mga kuwento.
Total paragraphs: 4
More from Events