Login Guest Philippine Flag MUNICIPALITY OF IBAAN April 14, 2026 Tuesday 02:12 AM
"We're working hard to improve your experience! The website is currently being updated. Thanks for your patience."

𝘽𝙖𝙜𝙤𝙣𝙜 𝙎𝙞𝙡𝙞𝙙-𝘼𝙧𝙖𝙡𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝙈𝙖𝙗𝙖𝙡𝙤𝙧-𝘾𝙖𝙩𝙖𝙣𝙙𝙖𝙡𝙖 𝙄𝙣𝙩𝙚𝙜𝙧𝙖𝙩𝙚𝙙 𝙎𝙘𝙝𝙤𝙤𝙡, 𝙈𝙖𝙨 𝙋𝙞𝙣𝙖𝙡𝙖𝙬𝙖𝙠 𝙖𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙥𝙖𝙨𝙞𝙙𝙖𝙙 𝙨𝙖 𝙋𝙖𝙜𝙗𝙞𝙗𝙞𝙜𝙖𝙮 𝙣𝙜 𝙀𝙙𝙪𝙠𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣𝙜 𝘿𝙚𝙠𝙖𝙡𝙞𝙙𝙖𝙙

Published under awards on April 8, 2026

Image 1
Isang masiglang kinabukasan ang sumalubong sa mga mag-aaral ng Junior High School sa Mabalor-Catandala Integrated School matapos pormal na isagawa ang Blessing at Turnover Ceremony ng dalawang bagong silid-aralan, Marso 26.
Image 2
Ang proyekto ay bunga ng matibay na pakikipagtulungan sa pagitan ng paaralan, pribadong sektor, iba pang stakeholders at ng Pamahalaang Lokal ng Ibaan (LGU). Ito ay binubuo ng isang palapag na may dalawang yunit ng classrooms. Layunin ng inisyatibong ito na masiguro ang kahandaan ng pasilidad at magbigay ng isang ligtas, maayos, at de-kalidad na kapaligiran para sa pag-aaral ng mga kabataang Ibaeño.
Sa ginanap na seremonya, binigyang-diin na ang bagong gusali ay simbolo ng pagkakaisa ng mga stakeholders sa pagtataguyod ng edukasyon. Sa pamamagitan ng karagdagang espasyong ito, inaasahang mas mapalalawak pa ang kapasidad ng paaralan na maghatid ng sapat na kaalaman sa dumaraming bilang ng mga mag-aaral sa nasabing paaralan.
Total paragraphs: 3
Image 3